Binubuo ng kalipunan ng mga panitikang pambansa na nagpapakilala sa mga Pilipino bilang masining at malikhain sa paghabi ng mga tula, balagtasan, at dula. Ang tilamsik ng diwa ng mga manunulat na Pilipino sa pagpapahayag ng masimbuyong damdamin sa pamamagitan ng maharayang pagpapahayag ay nagpapakilala na ang mga Pilipin’oy sadyang puno ng aliw-iw at masintahin sa pagsayaw sa saliw ng musikang pumapaikanlang sa kanilang balintaw upang maipahayag ang mithiin;pangarap;at mga damdamin maging ito man ay pag-ibig sa minamahal, sa kapwa-tao at sa baying nililiyag. Ang asignaturang ito ay tumatalakay sa mga akda noong unang panahaon na hanggang ngayon ay buhay pa at patuloy na naisalin sa sanlahi.
- Teacher: Jealyn Mirafuentes
- Enrolled students: No students enrolled in this course yet