Esp7

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata, kakayahan at talento, hilig at pagkatao ng tao tungo sa pagtupad ng mga tungkulin sa sarili, sa kapwa, sa bansa/ daigdig at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin upang mapanagutan ang kahihinatnan ng mga pasya at kilos.  

 

Esp8

Ang pamilya ang humubog sa pagpapahalaga,kaugalian, at katangian ng bawat indibidwal.Ang kanyang pagkatao ay may kinalaman sa mga bagay na ipinakikita at itinuturo ng pamilya niyang kinabibilangan.

Tungkulin ng mga kasapi ng pamilya ang makiisa sa pagbuo ng mabuti at huwarang pagsasamahan.Ang pagbabahagi ng panahon,pagmamahalan,pagtutulungan,at pagkakaisa ay higit na kailangan upang manatiling buo at matatag ang isang pamilya.

Malaki ang naitutulong ng pamilyang buo,matatag, may pagmamahalan, at may pagkakaisa sa paghubog ng kabataang may pangarap , may direksyon sa buhay ,at may mga katangiang kapaki-pakinabang sa lipunan at sa bansa niyang kinabibilangan