Araling Panlipunan 6

Sa asignaturang ito, maipamamalas ng mag-aaral ang patuloy na pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas mula sa ika-20 siglo hanggang sa kasalukuyan, tungo sa pagbuo ng tiyak na pagkakakilanlan bilang Pilipino at mamamayan ng Pilipinas. Maipamamalas din ng mag-aaral ang malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas base sa pagsusuri ng sipi ng mga piling primaryang sangguniang nakasulat, pasalita, awdyo-biswal at kumbinasyon ng mga ito, mula sa iba-ibang panahon, tungo sa pagbuo ng makabansang kaisipan na siyang magsisilbing basehan ng mas malawak na pananaw tungkol sa mundo.

Araling Panlipunan 5
Sa asignaturang ito, maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at mga sinaunang lipunan hanggang sa mga malalaking pagbabagong pang-ekonomiya at ang implikasyon nito sa lipunan sa simula ng ika-labing siyam na siglo, gamit ang batayang konsepto katulad ng kahalagahang pangkasaysayan (historical significance), pagpapatuloy at pagbabago, ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang ng isang batang mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao at makabansa at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng maunlad na kinabukasan para sa bansa.

Araling Panlipunan 4

Ang kursong ito ay naipagmamalaki ang pagka- Pilipino at ang bansang Pilipinas na may pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng mga kulturang Pilipino batay sa paggamit ng mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.

Araling Panlipunan 3

Ang kursong ito ay sumasaklaw sa paksang “ Ang Mga Lalawigan sa Aking Rehiyon” na naglalayong mapalawak ang pang-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa mga komunidad ng Pilipinas bilang bahagi ng mga lalawigan at rehiyon ng bansa batay sa katangiang pisikal, kultura, kabuhayan, at pulitikal, gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, interaksyon ng tao at kapiligirang pisikal at sosyal.

Araling Panlipunan 2

Ang mga mag-aaral sa asignaturang ito  ay naipamalas ang pag-unawa sa kwentong pinagmulan ng sariling komunidad batay sa konsepto ng pagbabago at patuloy ng pagpapahalaga sa kulturang nabuo.Naipamalas din ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa pagsulong ng pangunahing hanapbuhay at kailangang pansibiko bilang pakibahagi sa mga layunin ng sariling komunidad.

Makabansa 1

Ang mga mag-aaral ay naipamalas ang pag -unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago.